10

Beyond the trail: A day in the life of a forest ranger

Gubatbp. featuring Kuya Ruben Gianan

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Episode Transcript

Ruben: Pinapaunawa ko rin sa kanila (sa komunidad) kung ano talaga ang kalagayan namin dito, kasi kami ang nangangalaga ng lugar sa kabundukan. Sana tulungan nyo rin kami na mapangalagaan itong lugar, o mabigyan ng proteksyon din itong Masungi. Sa tulong nyo pong yun, malaking pasalamat sa amin sa Masungi na po yun.

 

Bryan: Hello everyone this is Bryan!

 

Onggie: And I’m Onggie

 

Bryan: And in today’s episode we are going to talk about one of the most important yet vulnerable heroes sa pag-alaga at pagtanggol ng ating kalikasan—ang ating forest rangers o bantay gubat. Lalo na sa Pilipinas, Onggie noh, considered na extremely vulnerable ang ating mga forest rangers as Global Witness reports nung 2021 that for eight straight years, ang Pilipinas daw ang pinakamapanganib na bansa sa Asia para sa mga land and environmental defenders.

 

Onggie: Oo nga Bryan. Kaya naman bilang advocacy natin ang Philippine forest protection, gusto nating i-highlight pa lalo ang trabaho ng mga forest ranger o bantay gubat sa Pilipinas. And to give us an intimate insight into the challenges and aspirations of a forest ranger, sasamahan tayo ng isang forest ranger mula sa Masungi Georeserve, si Kuya Ruben Gianan.

 

Bryan: Para sa general public noh, kadalasan kilala ang ating forest rangers bilang guides o park ranger habang tayo ay naghi-hiking or trekking.

 

Onggie: Yes, tama ka Bryan. Pero bukod don, ang ating forest rangers ay nagtatanim din ng seedlings, nagmo-monitor ng plant growth, nagma-maintain ng trails, nage-enforce ng regulations, and pumipigil ng illegal logging, poaching, and kaingin sa mga protected areas. 

 

Bryan: At hindi madali yun, di ba? Mamaya, mas malalaman natin ang mga kwento nila. Kaya sa ating episode for today, nararapat lang na mabigyan natin ng platform si Kuya Ruben to open up about his experiences, successes, and challenges bilang forest ranger. 

 

Onggie: Tama yan, Bryan. We invite our dear listeners na pakinggan ang kwento ni Kuya Ruben, ang kanyang mga inspirasyon at motibasyon na magpatuloy bilang forest ranger, at ang kanyang minimithi para sa kinabukasan ng forest protection sa Pilipinas. 

 

Bryan: Alright! Magandang araw sa ating lahat. Hello everyone si Bryan muli ito, kasama ko uli ngayon si Onngi, hello magandang araw sa iyo.

 

Onggie: Magandang araw din Bryan at inaanyayahan ko ang lahat please join us today for a conversation  on forest the people who take care of our forests the places that are important to us and everything in between

 

Bryan: And actually, nandito kami ngayon sa Masungi Georeserve. Sa mga previous podcast episodens natin Onggie yung isang beses na lumabas tayo yung unang  lumabas tayo para mag record ay sa Mt. Purro when we did the forest bathing episode, and here we go , here we are sa Masungi Georeserve, very excited na makasama natin ngayon ang nabanggit nating tagapangalaga ng ating kagubatan at tska importante na tinatawag natin silang frontliners ng forest protection. So welcome sa ating guest ngayong araw na ito, nandito si Kuya Ruben. Hello Kuya Ruben

 

Onggi: Hello Kuya Ruben 

 

Kuya Ruben: Hello po! Magandang araw po sa inyong lahat.

Onggie: Siguro po itong sa ating kwentuhan ngayon, umpisahan lang munja namin sa, unting pakilala sa amin Kuya Ruben. Pwede nyo bang umpisahan kung gaano ka na katagal dito sa Masungi at ano ang madalas na ginagawa nyo dito sa Masungi?

 

Ruben: Dito po sa Masungi, matagal na rin po ako dito, halos nasa 14 years na po ako dito sa Masungi at nag umpisa po akong pumasok dito noong 2007 po. At ang ginagawa ko po dito sa Masungi, maintenance. Hindi lang maintenance, nag mementina din ako ng tubig at kung ano pang pwedeng gawin dito sa Masungi. Pero ang ginagawa ko talaga dito ay naglilinis ng area, nagtatanim ng halaman. Yan a n g ginagawa namin dito at syempre po kung ano pa ang ginagawa namin dito sa Masungi. At dito po sa garden cottage ang ginagawa ko po dito hindi lang basta naglilinis, isa din akong team leader dito sa Masungi. At yung mga kasamahan ko, ako din po ang nagtuturo kung anong mga dapat kong gawin dito sa area ng Masungi po. Halimbawa, sa paglilinis, tinuturo ko din sa kanila kung paano ang paggawa o kung anong dapat gawin sa paglilinis sa isang area. Kasi dito sa aming area, kailangan maganda siyang tingnan. At sa paglilinis naman, ang ginagawa namin, nililinis namin ang area, yung mga damo rito, hindi namin pinagsasammama, bukod bukod po siya at kino-compost namin nang maganda o binibilog namin na may mga design naman po siya, para kung may mga bisita man  kami dito sa loob ng Masungi, ay kaaya-aya din naman po syang tingnan.

 

Onggie: Maganda, maganda talaga dito sa Masungi. Pero balikan ko ang sinabi mo kanina. Sabi mo 14 years ka na, 2007. Pero taga rito ka ba talaga sa Baras?

 

Ruben: Hindi naman po. Tubong Bicol po ako halos dito na po ako lumaki. Halos dito na po ako dumating sa Rizal, dito na po ako lumaki. At dito sa Masungi, dito na po ako lumaki. Dumating kami dito noong taong 1980s, edad ko po non siyam na taon ako non. 

Onggie: Ganito na ba kaganda yun noong 80s?

 

Ruben: Dati po noong 1980s, itong lugar ng Masungi noon halos virgin  forest pa po noong araw. Maraming mga punong kahoy na naglalakihan po siya. Yun nga po, nung dumating kami sa lugar na ito, naabutan namin ang illegal logging noong araw. Sinundan namin ng pag-uuling, tapos kaingin. Halos ganon po ang ginagawa sa Masungi.

 

Onggi: Pero kung titingnan mo ngayon parang balik na sa dating anyo nay ang kagubatan, ang laki na ulit ng mga puno, anong nangyari? Di ba kinukwento mo na nagkaroon ng paninira noon, pero bakit nabalik nyo ata ang ganda niton Maungi

 

Ruben: So yun po Sir, noong dumating ang Georeserve taong 1996, inumpisahan siya  pangalagaan at protektahan kaya ito po napangalagaan po namin ang puno. Ang mga tao na gusto na pumasok dito, pinagbabawalan po namin na mag putol ng mga kahoy dito, para sa kung ano ba, mapangalagaan natin ang mga puno at para manumbalik sa dati ang kabundukan. Syempre pag maraming mga punong kahoy, ‘yung mga ibon o hayop unit-unti silang bumabalik dito sa Masungi.

Bryan: Isa actually sa mga binabalik-balikan ng mga tao ‘yung mga mismong trail at geopark. I think mas nakaka-konekta ang mga tao kasi maraming ring mga endemic species ng mga hayop at halaman na matatagpuan dito sa Masungi Georeserve. Pero parang kung ano yung mga dinaanan siguro namin ni Onggie, nakailang balik na rin sa trails dito at ako rin, yung dinadaanan namin na trail, paano ba siya nagsimula? Naging parte po ba kayo noong sabi niyo po nung unang nag-start noong 1996?

 

Ruben: Yung Masungi, inayos po namin yung nung 2011. At ang ginawa namin doon, unang una, nilinis namin yun. Naghanap kami ng daan papasok ng Masungi. Kasi dati yung Masungi, masukal o magubat wala po syang mga daan, halos ako na rin naghanap ng mga daan sa Masungi. Dahil halos dito na ako lumaki mismo, kabisado ko ang lugar, kaya ako na rin naghanap ng lugar para mabilis makapasok ng Masungi. Kasi dati, mga daanan po doon mahirap dumaan kasi dati bago makapasok sa Masungi, batuhan, maraming butas o siwang, kaya naglalagay kami ng tulay para makatawid. Dati kasi noong araw nag-uuling din kami sa loob ng Masungi. So nung araw, pahirapan kami maglabas ng uling kasi mahirap ang mga daan. Kaya noong 2011, ako ‘yung namuno sa paghahanap ng mga daan doon sa loob ng Masungi at ginawa ko umakyat ako sa mga bato. Kaya ako umaakyat sa mga bato kasi naghahanap ako ng mga trail, gaya ng Sapot. Naghanap kami ng mataas na lugar para matanaw ang Laguna de Bay at buong kabundukan para makita ang kagandahan ng kalikasan. Kaya ayun po, sa paghahanap ko ng mga daan don, may isa akong nantagpuan na yungib. Yung yungib naman, pagpasok naman doon yun ang daan paakayat sa taas ng Tatay. Galing sa Silungan, natatanaw namin sila. Kaya naisip namin kung paano namin maakyat si Tatay. Kaya ayun, inakyat ko ang tatay at naghanap ako ng mga daan don. Habang naghahanap ako ng daan don, doon ka nakita ang yungib. Pagbaba ko, natagpuan ko na yun din ang daan paakyat ng Tatay. Kaya yun na rin ang nagsilbing daan ng Tatay. Tapos yung Tatay kasi, hindi talaga kayang akyatin yun kasi maraming butas. Kaya ang ginawa namin don, nilagyan namin ng mga bato at nilagyan ng mga railings at daan para safe habang umaakyat sa taas.

 

Bryan: Para sa mga nakikinig sa atin, ang sinabi ni Kyat Ruben na Tatay at Nanay ay yung rock formations na matatagpuan doon sa trail. Naiimagine ko po yung sinasabi nyong masukal na paghahanap doon sa trail mismo. Gaano katagal po kaya siguro ang inabot nyo doon? May pagkakataon ba na doon na rin kayo natutulog?

 

Ruben: Doon po Sir,  halos inabot po sya ng tatlong taon o three years sa pagkakagawa po non.

 

Onggie: Ah yung pag aayos at pagbuo ng trail.

 

Ruben: Oo inabot sya ng tatlong taon kaya inabot sya ng 2015. At yung naman paghahanap ng mga trail doon, nung araw masukal talaga. Talagang pag mahina loob mo, talaga matatakot ka, pero malakas loob naman akong naghanap non, at tiwala lang sa taas. Kasi sa loob ng Masungi, marami din akong natuklasan din ako na konting kababalaghan. Syempre sa mga ganong lugar magubat po siya, may mga hindi maiiwasang mga tao na hindi natin nakikita. Na medyo paglalaruan ka, pero hindi naman ako natatakot sa mga ganon. Pinursige ko na maghanap ng mga daan at linisan po siya. Yung boss ko rin meron din syang pinapatingnan sakin, may mapa din sya, meron siyang, mga ito yung ating dapat malinisan. Meron kami, halimbawa sa Tatay, hahanapan namin, hanap kami ng pwedeng mga daanan don. May isang puno o bato doon na tutumbukin ko para masundan ko ang daan.

 

Onggie: So itong, tama ba na pagka-unawa ko na ang pagbuo nyo ng Masungi trail ay may halong kaalaman ng siyensya, may mapa, at kaalaman mo sa lugar mismo sa lupaing ito?

 

Ruben: Kung hindi din sa tulong nila, hindi ko rin mahahanap. Gumawa din ako ng mga idea. Kumuha din sila sa akin.

 

Onggie: Oo syempre ikaw mas nakikita ang mga pasikot-sikot siguro nong daan. Maaring hindi kita sa mapa pero ikaw kita mo. Kanina nabanggit ni Bryan at nabanggit mo rin ang yungib at nakwento samin na nakapangalan sayo yun kasi ikaw daw nakatuklas.

 

Ruben: Opo sa akin po ipinangalan ang yungib kasi, nagulat nga ako, kasi pinangalan sa akin ang yungib kasi ako po nakatagpo ng yungib kaya sa akin nakapangalan ang yungib.

 

Bryan: Okay guys yung mga nakikinig sa atin, sa mga nakapunta sa Masungi o pupunta palang sa Masungi, kausap po namin si Kuya Ruben ng Yungib ni Ruben. 

 

Onggie: Isa sa mga nakaka—, ako personally nagulat ako nagandahan ako, na amaze ako sa mga nakita kong maliliit na scorpion na parang fluorescent na kumikinang sa dilim

 

Ruben: Yun po ang tinatawag naming mga stalactite.

 

Onggie: Ah may mga stalactite din doon. 

 

Ruben: Yun yung kadalasan nakikita sa mga yungib, ang mga stalactite. Yun po ang mga kumikinang pag tinamaan ng liwanag o sikat ng araw. Yun po kasi ang mga stalactite na yan nabubuo dahil sa tubig ulan. Pag nasa taas, stalactite. Pag sa baba stalagmite. Pag nagsalubong, column po siya. Buo naman po siya. Kasi sa Masungi, nakakita na ako ng column sa yungib sa gitna sya ng bunganga o pintuan na halos na ganyan na po sya, nagdugtong na po siya. Pero po yung mga stalactite na po yan, bawal din po sya mahawakan kasi bumabagal ang paglaki nila.  Kasi ang mag stalactite na yan bago sila magkakaroon ng bato, bibilang muna ng 60 years bago magkaroon ng 1.2 cm. Ganoon po sya katagal lumaki. Kasi pag hinawakan po siya, nalalagyan po sya ng acid o oil

 

Onggie: Malawak ang kaalaman ni Kuya.

Bryan: Naalala ko sinabi mo Sir Onggie, doon sa maliliit na scorpion na pag iniilawan mo ng UV. Kasi may isang pagkakataon na nag day and night trail kami at grabe yung soundscape dito sa Masungi. Andaming ibon, palaka, maraming tunog ng hayop. Sobrang sarap pakinggan pero bilang kilalang kilala nyo po ang landscape dito, ang buong Masungi, medyo curious lang po ako meron po kayong particular na puno o particular na hayop na nakakakonekta kayo o may connection sa kabataan nyo or yung pinakatumatak sa inyo or something na importante sa inyo. May mga ecounters kayo ng wildlife…

 

Ruben: So ang kuan ko pa dyan ay yung mga balete. Kasi ang mga balete halos pag andyan ako sa loob ng Masungi, paborito ko nang puntahan ang mga balete, kasi ang mga balete pag may bunga yun, maraming mga hayop o ibon na pumupunta don kasi ang bunga ng balete paborito nila kainin.

 

Onggie: Ano ang mga kumakain na yan?

 

Ruben: Sa umaga makikita mo ang mga unggoy, ibon, mga taliktik. Opo may mga taliktik po dyan. Tapos yung mga paniki, kinakain din po ng paniki ang bunga ng  balete. Kaya po may mga balete, kung may mga bunga po yan, pinagpepesta po yan ng mga hayop o ibon. Kaya kung gusto nyo makahanap ng mga ibon o hayop, maghanap kayo ng isang puno ng balete na maraming bunga at doon mo sila makikita na sari saring ibon o hayop ang pumupunta sa balete kasi gustong gusto nila kainin ang bunga ng balete.

 

Onggie: Maganda ang tip nayan kaya next time na nandito tayo, hanapin natin ang balete, mukhang don tayo makakakita ng mga sinasabing taliktik at iba pa

 

Ruben: Dito po minsan, kanina nung pumasok kami sa Masungi, marami akong narinig na mga taliktik doon sa loob ng Masungi. Yun nga lang don lang kami sa bungad hindi sa gitna. Kasi sa gitna, yun po yung tinatawag naming meditation walk. Don ka makakarinig nga mga huni ng mga ibon, don sa lugar na po yun, hanggang sa kwago.

 

Bryan: Meditation walk. Ah ito yung medyo connected sa forest.

 

Ruben: Yun po ‘di ba tinuro ko nung umkyat tayo, yun po yung meditation don namin ginagawa po yon.

Bryan: Sobrang alam na alam ni Kuya Ruben ang mga nangyayari doon sa Georeserve pero Kuya Ruben, gusto ko pong balikan, ano po, yung naging inspirasyon nyo at motibasyon nyo para maging forest ranger, para maging tagapangalaga ng Geopark.

 

Ruben: Dati po noong una, kung tutuusin wala sa isip ko na maging ganito ako noong una kasi noon kuan ko lang, kumita at magtrabaho para kumain kami sa araw-araw. Pero sa kalaunan, parang pumasok sa isip ko na kasi ganito may mga bisita kami, parang na engganyo ako dito sa Masungi, natuto ko na makisalamuha sa mga tao rin, o yung minsan mga kaalaman ko dito naibabahagi ko na rin sa ibang mga bisita. At napapansin ko sa tuwing nagbabahagi ako sa mga bisita, natutuwa sila sa akin. Doon ako na-engganyo na parang masarap sa pakiramdam na maraming tao na natutuwa sayo at bawat kwento mo sa kanila, na appreciate naman nila. Kaya na engganyo po ako dito, kaya po ako tumagal dito ng 14 years kasi sa trabaho ko po, masaya na po ako sa trabaho ko dito sa Masungi. Kasi marami na rin akong naibabahagi pag may mga bisita kami. At nakakatulong din kasi ako sa mga kasamahan namin bilang team leader. Ako rin ang namumuno sa pagturo sa paggawa dito sa Masungi. At dito naman sa Masungi, pinapangalagaan din namin ang mga ibon at halaman at iba pang mga insekto. Dito sa Masungi, sila din ang pinapangalagaan namin, hindi namin sila pinapatay. Pinapangalagaan namin sila dito, halimbawa may nakita kaming ahas, hindi namin pinapatay, hinahayaan lang namin sila, o ibang mga hayop tulad ng labuyo. Yung mga labuyo dito, hindi namin sila hinuhuli kasi noong araw ang mga labuyo, hinuhuli sila. Kasi yung karne ng labuyo, masarap po kainin yun. Kaya hanggang ngayon dito sa Masungi, marami sa isla ngayon.

Onggie: Mukhang napakaganda din nong naging relasyon nyo dito sa Masungi at tumulong ka sa panunumbalik niya at naging masaya naman ang trabaho mo noong mga nakaraang taon. Pero lalo na ngayon hindi lang naman puro masaya yung mga nangyayari sa Masungi ano, sa nabasa namin kamakailan lang at nabalitaan namin, nagkaroon ng mga karahasan sa mga katulad nyo na mga forest guard. Hindi ka ba nangangamba or natatakot kapag ganon?

 

R: So sa mga ganon po syempre natatakot din kami kasi hindi namin alam kung anong mangyayari sa aming ginagalawan. Halimbawa, gumagawa kami, hindi namin alam na may nakaambang panganib na. Yun siguro ang ginagawa namin dito, pag iingat na lang din po. Sa ginagalawan namin, nakikiramdam din kami. Kung may mga, halimbawa, mga bagay na hindi namin alam na may nagtatangka na sa aming buhay dito sa Masungi, siguro ang kuan ko lang po don, para mapangalagaan din kami, proteksyon nalang din po sa aming mga forest guard dito sa Masungi po.

 

Onggie: Halimbawa nong may nangyari na karahasan sa kasamahan nyo, paano nyo prinoseso? Nagusap-usap ba kayo, nagkaroon ba ng pagkakataon na napag-usapan nyo ang nangyari sa kanila at nagkaroon ba ng resolution, o sige ito ang gagawin natin. Paano nyo naproseso yun?

 

Ruben: So iyon po, bilang hakbang sa amin, halos sila na rin yung nagawa ng paraan kung paano. Kasi sa areang pong yun, halos ang mga kasamahan ko po nakakaranas po non. Kasi po nandito po ako sa Garden Cottage. Yung area na po yun, sa kanila po yun sa Legacy. Dito lang po ako sa Garden Cottage, bihira din po ako umaakyat doon. Umaakyat lang po ako don kung may mga aayusin po ako tulad ng tubig, pero ang naapektuhan lang po don ang mga kasamahan ko sila Kuhkan, sila yung nakaranas sa kanilang area.

 

Onggie: Hindi ka ba pinagbawalan ng misis mo? Hindi ba niya sinabi nako, ano ha. Di ba kasi syempre natutuwa kami na hindi nangyari sa inyo pero syempre may pangamba pa rin yun lalo na sa pamilya. Ano, pano pinagsabihan ka ba o alam na ng pamilya na kasama yun sa trabaho?

 

Ruben: So yun po, wala pa po akong pamilya, ang kasama ko lang po sa bahay ay magulang ko lang po. Yung nanay ko, syempre alam nya na dito ako nagtatrabaho sa Masungi, syempre hindi pa rin maiiwasan yun kasi dito sa Masungi may katahimikan at kaguluhan din po, hindi maiiwasan ang mga taon na tipong mga malalaking tao rin na halos sila rin yung mga… Dati nung araw ang Masungi, pinabayaan lang din non. Syempre nung nakita nila na maganda na siya, parang gusto nilang kuhain muli. Kaso huli na, kasi hindi nga nila pinangalagaan ang lugar, sympre kami gusto lang namin mabalik sa dati ang Masungi. Kaya nagtatanim kami ng puno. Syempre sila, hindi naman lahat ng tao, marami ding kontra din po.

 

Onggie: Nakatira din po kayo malapit lang dito sa Masungi?

 

Ruben: Opo dito lang po sa Pinugay, Baras, Rizal.

Onggie: So sa Pinugay, paano nyo nakukumbinsi or tinatanong ba kayo ng kasama nyo sa barangay o kapitabhay na parang, bakit nyo pinapangalagaan ang Masungi? Hindi ba kayo tinatanong na ganon?

 

Ruben: Yun naman po Sir, meron. Nagtatanong, buti nagtatiyaga ka dyan sa trabaho mo, magulo dyan. Sabi ko nagtatiyaga ako kasi masaya naman ako don, kumbaga, masaya na naman ako kasi napangangalagaan ko ang ating kalikasan. Saka pinangangalagaan din namin ang lugar na yun hindi lang para sa akin, para sa lahat na rin. Kasi pag halimbawa pag naalagaan mo ang isang lugar, syempre pag mapangalagaan mo maraming mga puno. Kasi pag dumating ang sakuna, tayo ang maapektuhan din, gaya ng bagyo o landslide. Kung wala ang mga punong kahoy o mga tanim sa gubat, tayo ang maapektuhan sa baba

 

Onggie: Oo, so pinapaunawa nyo rin sa kanila na sa trabaho naming ito, sa pangangalaga namin sa watershed natin, sa mga puno natin, naiiwasan din natin ang sarili natin sa baha at sakuna.

 

Ruben: Syempre, halimbawa pag nasa baba ka, pag may baha o landslide, kami rin ang naapektuhan sa baba. Kaya minsan pinapaunawa ko rin sa kanila yung kung ano talaga kalagayan namin dito, kasi kami din ang nag-aalaga ng lugar dito sa kabundukan.

Bryan: Siguro dadako ako doon sa hinaharap. Paano nyo po nakikita, bilang labing-apat na taon po kayong naging forest guard as park ranger, paano nyo po nakikita ang sarili nyo sa hinaharap, sa ginagawa nyo sa pagpoprotekta sa kagubatan?

 

Onggie: Magpapatuloy pa rin ba tayo dito?

 

Ruben: So sa akin po, yung tutal, nakikita ko naman na tumatagal, unti-unti po syang gumaganda po, syempre pag napaganda po natin yan, maraming makikinabang po. Hindi lang sa amin, pati mga karatig na lugar. Kailangan ay yung kabundukan ay pangalagaan din natin. Hindi lang yung kabundukan, pati mga hayop na naninirahan sa mga gubat. Kasi halimbawa, pag nasira natin ang kabundukan, maaubos natin ang punong kahoy, mawawala ng tirahan ang mga ibon o hayop. Kung dumating man ang panahon na yun, kung gusto man natin umakyat sa bundok, wala tayong makikitang magagandang hayop o view. Eh kung makikita nila dito na mayabong siya, tapos marami tayong makikitang mga hayop, matutuwa sila sa isang lugar na yun at babalik at babalik po tayo don para tingnan natin muli.

 

Bryan: Nabanggit nyo po kanina Kuya Ruben na may mga tinetrain din po kayo, or sinasamahan na mga kapwa park rangers, kayo po ang team leader don. Ano po ba sila, mas mga kabataan po ba sila? Paano nyo po nakikita yung… Paano natin mas ma-eencourage ang mga tao na maging ranger din siguro o gumawa ng… Baka ito din ang gusto nilang gawin.

 

Ruben: Ang mga tine-training ko, kasi may edad na po ako, mga tine-training ko mga bata pa po sila. Yun, tine-training ko sila syempre mga kabataan pa sila. Ang kabataan kasi ngayon, kuan lang sila mga happiness. Tapos sabi ko, kailangan na tinuturuan ko rin sila na pangalagaan ang kalikasan. Kung balang araw kung magkapamilya sila, ang mga anak nila ay merong makikita, may mapupuntahan sila na maganda na tanawin na pwede nilang pasyalan. Kaya ang kuan ko sa kanila, pangalagaan ang kubundukan. Magtanim ng  mga punong kahoy. Hindi lang po yun, isa-isip din natin kung ano ang kaya natin sa bandang huli, sa hinaharap po.

 

Onggie: Alam namin na maraming tao ang pumupunta dito, natutuwa sa ganda ng Masungi at bumabalik ang kagubatan. Sa ibang lugar, sa tingin niyo kaya din gawin yun? Kaya kaya na yung nangyayari dito sa Masungi ay kaya din mangyari sa Antipolo o sa ibang bahagi ng bansa?

 

Ruben: So tingin ko Sir, kaya naman po yun, kailangan meron din silang pagkakaisa o pagmamahal sa isang lugar, na pangalagaan ang isang lugar. Para sa bandang huli, sila ang makikinabang din. Kasi kung pangalagaan at ayusin, halimbawa kung may mga lupain at bundok, magtanim sila ng puno o prutas o kung ano man ang pwedeng tanimin. Sa kapatagan naman, kung walang matatamnan, halimbawa yung mga basura don, huwag lang basta itatapon kung saan-saan, dapat ang basura din iipon at ilagay sa tamang lagayan din. Hindi lang basta ilagay ang basura, dapat ibubukod sa nabubulok at hindi nabubulok. Para bang i-rerecycle rin po sya. Kasi sa kapatagan namin, uso ang bumabaha o bumabara sa kanal. Kaya naman gawin yun, basta sama-sama sila at tulong-tulong na mapaganda ang lugar nila. Parang ginagawa namin dito na talagang pinapangalagaan namin ang lugar ng Masungi.

Bryan: Kuya Ruben maraming mga nakikinig na kabataan na sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, ano nalang po ang huli nyong mesnahe na related sa ginagawa nyo as forest ranger?

 

Ruben: Siguro ang mensahe ko po, sana po tulungan niyo rin kami na pangalagaan din ang lugar o mabigyan ng proteksyon din ang Masungi. Sa tulong nyo pong yun, maraming pasasalamat na po sa’min dito sa Masungi po yun.

Onggie: Salamat din sa oras nyo salamat sa ngayong hapon, ang ganda ng kwentuhan natin.

 

Bryan: Saludo kami sa lahat ng ginagawa nyong forest ranger sa pagprotekta sa kagubatan. Ayun, maraming salamat Kuya Ruben. I think itong experience natin ngayon Onggie sa pag record dito sa Masungi traces us back sa simulang simula, at don sa kwento ni Kuya Ruben kung paano sila nag-isip kung paano dinevelop yung trail, pano ginagawa ang pag-maintain at pag protect. Pero of course, hindi rin devoid of challenges ang ginagawa ng isang ranger, si Kuya Ruben as someone na maraming taon ng ginagawa ang ganitong klase ng trabaho ay isang important na story to inspire everyone din na to love yung place. I really like yung idea ni Kuya Ruben sa pagmamahal sa lugar mismo, not necessarily ang kalikasan, but ang lugar na connected sa kalikasan na din. Marami maraming salamat.

 

Onggie: Ako siguro sa panig ko gusto ko lang magpasalamat din kay Kuya Ruben. Hindi lang dahil sa tagal na panahon sa paguguol sa pagmamahal sa lugar na ito, kung hindi dahil patuloy sa pagiging humble, patuloy siyang nagsisikap pa rin sa pagmamahal sa lugar na ito.

 

Thank you at salamat po.

Thank you for listening to this episode. Gubatbp. and Forest Foundation would like to thank our guest Kuya Ruben Guianan from the Masungi Georeserve.

 

To schedule a visit and know more about the Masungi Georeserve and their advocacies, check out https://www.masungigeoreserve.com/ and follow their Instagram and Facebook accounts at @masungigeoreserve, and their Twitter at @MasungiGeo.

 

We’d also like to thank our featured musician for this episode, Any Name’s Okay. They are a 5-piece alternative pop band based in the Philippines that formed through the UP Music Circle in late 2017. The band consists of Sofia Abrogar, Renzo Lumanog, Mike Armas, Arvin Olete, and Juan Lada. 

 

We just listened to the song “Yugto” from their latest EP, Leaving Home. Check out the rest of their latest EP on Spotify.

 

At www.gubatbp.forestfoundation.ph, you can browse through our maps featured on each episode and resource materials after listening to our episodes.

Did you know? The Masungi Georeserve isn’t the only area under other effective area-based conservation measures (OECMs) in the Philippines. An alternative to traditional protected areas, OECMs can comprise any geographically defined region with a management structure that demonstrates a lasting benefit to biodiversity. 

 

Aichi Biodiversity Target 11 defines OECM as “a geographically defined space, not recognized as a protected area, which is governed and managed over the long-term in ways that deliver the effective and enduring in-situ conservation of biodiversity, with associated ecosystem services and cultural and spiritual values”. 

 

According to the IUCN, the following can also be considered OECMs: Indigenous Peoples’ and Community Conserved Areas and Territories (ICCAs), critical habitats, locally managed marine areas (LMMAs), and watersheds. You can read more about identifying other OECMs here!

Beyond the trail: A day in the life of a forest ranger

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Gubatbp. featuring Kuya Ruben Gianan

About the guest

Kuya-modified

Kuya Ruben Gianan

For 14 years, Kuya Ruben Gianan has worked with Masungi Georeserve as a park ranger and forest guard. He co-created the Discovery Trail and discovered its notable limestone cave, which is now affectionately referred to as “Yungib ni Ruben” or Ruben’s Cave. In addition to his duties as a ranger, Kuya Ruben is an expert at maintenance work and is knowledgeable about the biodiverse flora and fauna in Masungi. Additionally, Kuya Ruben mentors a number of new rangers as team leader. 

Featured musician

Any Name’s Okay is a 5-piece alternative pop band based in the Philippines that formed through the UP Music Circle in late 2017. The band consists of Sofia Abrogar, Renzo Lumanog, Mike Armas, Arvin Olete, and Juan Lada.

Next Up

11:

Featuring Anabelle Plantilla & Jay Fidelino

Conservationists Anabelle Plantilla and Jay Fidelino share the intergenerational lessons behind their personal plot twists and professional turning points that brought them where they are today. They discuss their shared advocacies in environmental conservation and how they figured out their passions along the way—a relatable reality of how one’s stories of “becoming” constantly evolve and, often, in ways one may not expect. Anabelle and Jay also impart their wisdom through the Q&A segment, where listener queries are accommodated for the first time!