Gubatbp. featuring Mariton Villanueva and Soliman Poonon | May 7, 2021
ONGGIE:
Hi everyone. Welcome to Gubatbp. podcast. I’m Onggie Canivel, Executive Director of Forest Foundation.
BRYAN:
And hello I’m Bryan Mariano, Knowledge Management Specialist at Forest Foundation Philippines.
ONGGIE:
In this podcast, we tell stories about the forest, plants, and people. Gubatbp. comes from the wordplay of “gubat”, which translates to “forest” in Tagalog, and “at iba pa”, which means “and others”.
BRYAN:
At Gubatbp., we find familiarity in the forest and its relation to our everyday lives.
[Rustling leaves sound: 3-5 seconds]
Naniniwala akong ang buong mundo ay maaring gamiting elemento ng paglikha— ang mga patay na dahon, ang mga balat ng prutas na pinagpipiyestahan sa hapag sa gitna ng tag-araw, ang mga gulay na nasa bingit na ng pagiging sariwa, mga tangkay at sanga, at lahat pa ng nagmula at bumabalik sa lupa.
Ang lola ko ang nagturo sa aking mag-gantsilyo. Siya ang aking inspirasyon at impluwensiya, noon at ngayon. Ang mga panahong katabi siya noong kabataan ko ay parang isang mahabang tali na nagdurugtong sa mga makukulay na butil ng kwintas. Hinding-hindi mapuputol sa aking ala-ala.
Sa kaniya ko marahil natanto na may kulay ang lahat, tiyak namang katotohanan ito. At ang bawat elementong nakukuha sa mundo ay maaaring lumikha ng kulay, samu’t saring kulay, lalo’t magkakasama, upang bihisan ang ating imahinasyon.
Sa ganitong paraan ako nagsisimulang lumikha ng sining:
Una, sa pag-aaral. Mahalaga na maintindihan ko kung anong uri ng gawa ang epektibo sa iba’t ibang panig ng mundo. Siyensiya at kaalaman. Nakatuntong dapat sa matatag na siyensiya ang bawat likhang-sining.
Ikalawa, sa pagmamasid. Ano’ng bagay pa ang maaari kong gamitin para lumikha ng isang damit halimbawa, at kulayan ito nang ayon sa ipinipinta ng aking puso.
Ikatlo, sa pakikipag-kapwa-tao. Kailangan kong kilalanin at kausapin ang pagbibigyan ko ng likha ko—kilalanin siya, ang mga nais at hilig niya. O di kaya’y makipag-usap sa tindera ng abokado at iba pang prutas na pagtirhan ako ng hindi na maibebentang ani.
Ikaapat, ang akto ng paglikha na hindi nakasalalay sa anumang pangarap na katanyagan o respeto ng iba, o anumang materyal na bagay, kundi matibay na nakasandal sa paniniwalang ang talento ko ay bigay ng Diyos at dapat na ipamahagi sa mas marami pang tao.
Mahirap gumawa ng damit. Maraming malikhaing sandali na kailangang pagbuhusan ng oras. Mahirap lalo dahil may kalabang oras. Pagod. Stress. Deadlines. Kasama iyan sa mga nagpapabilis ng tibok ng puso ko. At tuwing hindi ko na kaya, nagbubungkal ako.
Lupa. Ang inaapakan nating lahat. Ang pundasyon ng buhay. Nagbubungkal ako pampapawi ng pagod. Nagbubungkal ako hanggang maabot ko ang kaibuturan ng halaga ng ginagawa ko:
Ito ang tunay na sining ko: ang matiyak na maibabalik din sa lupa ang mga bagay na binigay sa atin ng mundo.
Ako si Mariton Villanueva. Isang textile artist.
Ako si Soliman Poonon. Isang pintor.
Pero hindi ako ordinaryong pintor. Kung ang iba ang ginagamit sa pagpipinta ay samu’t saring kemikal, ang sa akin naman ay organiko at natural. Lupa, ito ang gamit ko. Alam mo bang maraming kulay ang lupa? Bawat uri, may iba’t ibang tono at timpla. Pero ang pinakamabisa para sa akin ay iyong lupa na malambot na parang luwad o clay. Gumagamit ako ng ordinaryong pandikit para mas mabilis na mabuo ang porma ng lupa. Mas mabilis ding kumakapit ang luwad o clay sa canvas, semento, kahoy, at kawayan.
May iba’t ibang kulay ang lupa at ganito rin ang tradisyon at kasaysayan ng aking tribo: ang mga Talaandig, isang tribo dito sa Bukidnon, Mindanao. Ang pagpipinta gamit ang lupa ay isa sa mga tradisyong aming iniingatan. Nagmula pa ito sa aking mga ninuno na ngayon ay ipinapasa namin sa susunod na henerasyon. Katulad ng lupa, hinding-hindi mawawala sa amin ang tradisyon ng pagpipinta gamit ang lupa.
Mahalaga ang lupa sa akin. Kaya’t sa tuwing kumukuha ako ng lupa sa isang lugar, nagpapaalam muna ako sa mga diyos ng kalikasan. Ang iba pa nga sa aming tribo, natutulog muna at naghihintay ng magandang panaginip bago kumuha ng lupa kung saanman. Kapag masama ang panaginip, hindi sila tutuloy sa pagkuha ng lupa. Hindi matutuloy ang pagpipinta. Ganito kalaki ang respeto namin sa lupa at kalikasan.
Mahalaga ang pagtulog nang mahimbing sa pagpipinta. Kailangan ng lubos na kapayapaan at kalusugan bago ako makapagpinta. Paggising sa umaga, nagkakape ako at nag-iisip ng aking ipipinta, inaayos sa isipan ang larawang ipipinta gamit ang lupa. At kapag handa na akong magpinta, maghahanap ako ng uri ng lupa sa aming bayan na babagay sa aking ipipinta.
Pupunta ako roon ngunit bago kumuha ng lupa at pagkatapos magpaalam sa mga diyos ng kalikasan, mag-iiwan ako ng barya upang iparamdam sa lupa na lubos ang aking pasasalamat.
Bukod sa pagpipinta, gumagawa rin ako ng wood carvings at mga kutsilyo gamit ang bakal at bato. Sa kalikasan talaga ako humahanap ng materyal para sa aking trabaho. Pangarap ko ring maging mahusay na blacksmith at sa ngayon patuloy akong nag-aaral para mapabuti ito.
Lupa ang puno’t dulo ng aking sining. Ito ang aking kabuhayan at ito rin ang aking buhay. Ipinipinta ng lupa ang aking mga panaginip, takot, at pangarap. Sa lupa ng aking mga ninuno nabubuhay ang sining ko.
Mabuti nga at ang mga bata sa aming lugar ay natuturuan na ng aming tradisyon sa Talaandig bago pa pumasok sa elementarya. May paaralan kami dito sa Talaandig para ituro sa mga susunod na henerasyon ang aming mga sayaw, ang aming mga awit, ang aming mga ritwal, ang aming mga sining. Wala akong ibang hinihiling kung hindi makilala ng mundo ang ritwal ng pagpipinta gamit ang lupa. Gamit ang talento ko, sisiguraduhin kong magpapatuloy ang kasaysayan naming mga Talaandig. Makulay na makulay katulad ng mahusay na pinta, hindi nauubos at hindi nagwawakas katulad ng lupa.
ONGGIE:
Ang galing ng kwento ng dalawang featured artists natin. May bahagi na nakakakilabot, may bahagi na nasindak, may bahagi na nakakataba ng puso, may bahagi na nakakagalak. Bagong kilala itong dalawang ito, si Mariton at si Soliman. At bago ko lang din nakita ang kanilang sining, bago ko lang nakita ang kanilang nilikha.
Unfortunately, hindi pa actual, hindi pa in-person. Nakita ko lang yung gawa ni Mariton through her Instagram, through searches sa Facebook, at sa web. Ganun din yung kay Soliman, pero I think dalawa kaagad yung reflections ko.
Yung kay Mariton, yung kanyang sining ang pagkukulay gamit ang mga halaman. Plant-based dyes yung gamit niya. Yung dating sa akin kaagad, yung parang ang init. Mainit yung kulay. Maaring red din siya, init akong nadarama. Weird yun kasi mediated pa yun by the device and by the internet, pero parang iba yung nararamdaman mong init.
Ito namang kay Soliman, nakakatuwa at nakakapagtaka rin sa akin na ang gamit niya, ayon rin sa kwento niya, ay lupa. Pero parang ang daming shade, ang daming hues, at may texture. Parang nung nakita ko, tingin ko, pag nakita ko in person baka hindi ko mapigilan yung sarili ko na hawakan yung canvas kasi ang galing eh. From what I thought would be one color or one hue na “clay,” ang lalim ng hues, may depth of color at may texture na kaiba para sa akin.
I think kaya rin ganun, later on nung napakinggan ko yung kanilang kwento, mas naintindihan ko bakit pala may texture, bakit may hue, at bakit mas mainit yung dye na gamit. Yung dating sa akin ng dye na gamit ni Mariton kahanga-hanga.
BRYAN:
Tama, tama, tama, Onggie. Kahanga-hanga. Actually, nung pinapakinggan ko ang sarap pakinggan. Para akong dinadala din somewhere. Imagining yung work na ginawa nila or ginagawa nila. Nakita ko na rin yung gawa nila before, pero hindi rin personal. Sana kung hindi pandemic malamang nakita na natin personally.
Pero yung sinasabi niyo sa work ni Mariton na textile artist, yung init na naramdaman niyo, I think ganung affective na encounter yung sobrang interesting sa ganitong klaseng artworks. Ako, sobrang drawn ako sa proseso. Binabanggit niya kanina o doon sa kanyang narrative na yung paraan kung paano siya lumilikha ng sining, at sobrang na-imagine ko yung ways na yun. Nakita ko na gumagamit siya ng iba’t ibang botanical na dye. So from bayabas, talisay, kaimito…yung mga prutas or yung mga puno, mga halaman o sa tabing daan. Kinakain natin sa mga kainan. Amazing na nabigyan ng ibang kulay kasi nag-derive din ng ibang kulay na feeling ko hindi rin ganun ka-direct yung pangalan ng kulay.
Hindi ko din alam kung paano mabibigyan ng justice din kapag sinabi ko na “Ah, blue. Ah, red.” There’s more to those usual colors kaya siguro yung pakiramdam din natin ay nakakagaan doon nung nakita natin yung mga kulay na ginagawa ni Mariton. Sobrang namangha din ako sa mga pinta ni Soliman. Kasi yung kultura din nila bilang parte siya ng Talaandig tribe sa Bukidnon, ito din yung way kung paano i-communicate yung importance ng soil sa culture nila.
For me, parang sobrang important niya in terms of communicating yung culture, yung tradition nila. We know na majority din or some of the indigenous peoples ay oral yung pag-transfer ng knowledge sa kanila or yung history nila…oral nila yan pinaguusapan. Pero dito, nakikita natin yung materiality yung importance nung nature doon sa work nila or doon sa culture nila. Actually, yung isa sa mga paborito ko din na gawa ni Soliman ay yung depiction ng Talaandig tribe using yung soil or clay na ginagamit niya na material para doon sa artwork niya. Hindi ko lang masyadong napansin yung texture na sinasabi niyo, pero baka hindi lang ako masyado tumingin ng mas direkta.
Ang galing, ang galing.
ONGGIE:
Yung pangalawang reflection ko, when I looked at yung kanilang artwork at listening to yung story nila…paano nakatahi, paano nakaugnay yung kalikasan o yung kapaligiran literally sa kanilang ginagawa.
Yung kay Mariton, tulad ng binanggit mo nga, ginagamit niya yung pang araw-araw na prutas at halaman. Doon sa kwento niya, yung mga hindi nabentang avocado. Pati sa kwento niya, sabi niya bawat elemento sa mundo ay may kakayahan na magbigay ng kulay. At ang galing na nahahanap niya itong paraan ng pagkukulay, ang elemento ng pagkukulay, primarily sa kapaligiran niya.
Para sa akin, hindi lang nature yung theme niya. Ang mga nakita kong artwork niya, may impression ng ilog, may impression ng bula-bulaklak. Para sa akin, dahil sa ginagamit niyang dye nakaugnay talaga siya sa kapaligiran. Syempre, lalong lalo na yung mga likha ni Soliman. Nakaka-hanga din nananaginip sila. Siya at yung mga iba pang pintor sa tribo nila. Magiisip tuloy sila ng kung ano yung angkop na ipinta nila at kung ano yung angkop na gagamitin nilang lupa. Pagkatapos, bago sila kumuha, magpapaalam at magpapasalamat din. Ang dating sa akin ay parang yung lupa mismo, sumasali siya sa artwork not just with the medium, but yung proseso na pagkuha niya, pagpinta niya, pati yung motivation niya. Para sa akin, yun yung pangalawang reflection na “Ok, yung pinipinta nila or yung pinapahiwatig nila ay may patungkol sa nature, may patungkol sa kapaligiran. Pero yung paggawa nila, nakatali din yung kalikasan, yung pagpapahalaga sa kalikasan, kultura, kasali.
BRYAN:
In that way, hindi talaga hiwalay yung tao sa kalikasan. We have this longstanding notion of nature-culture divide na centered yung humans masyado sa environment or may somewhere-out-there na sobrang pristine. Pero parang sa works nila, nakita ko din kung paano nag me-meld talaga yung nature na hindi lang basta medium, pero part talaga siya ng proseso and “becoming” na yun. Yung lupa, yung soil as a major theme siguro din na very prominent din sa work na ginagawa nila.
Si Mariton, binanggit niya na tuwing hindi na daw niya kaya, nagbubungkal siya. Sobrang lalim din nun for me because it takes effort and it takes a level of attunement sa pagbubungkal mo. Nakikita mo na parte ka nung lupa na iyon or parte ka ng environment na iyon. Binanggit din ni Soliman na pinipinta ng lupa ang kanyang panaginip, takot, at pangarap. I think yun, very unique din yun for me. Doon sa indigenous people na culture nila, may reference kasi siya sa mga ninuno eh. So feeling ko, yung immediate environment din nila hindi nila yun basta nakikita na material para doon sa artwork nila. Ang interpretation ko ay part yun ng kinship nila, part yun ng kung sino sila or kung sino yung person na magiging sila in this kind of creative process.
ONGGIE:
Sang-ayon ako sa mga sinabi mo, Bry. Mukhang nakaugat sila sa lupa, nakaugat sila sa pagmamasid din ng kalikasan sa tingin ko. In fact, isa ito sa mga nagbibigay tuwa sa akin nung nakita ko yung artwork nila at narinig ko yung kwento nila. Kasi, nung sinabi ni Mariton na nagagawa niya itong artwork niya, itong pag-textile art niya, sa pagaaral, sa pagmamasid, at sa pakikipag kapwa-tao. Sa akin, in a sense, nanibago ako kasi yung pagmamasid pala ay malaking bahagi ng kanyang sining.
Alam mo yun? Hindi ko masyado maisip na part yun. Ok, you research–dapat alam mo yung tamang plants that will give off this shade–pero yung pagmamasid ibang klase. Yung pagmamasid is part of that creative process pala. Yung noticing, yung figuring out for yourself, yung paying attention to, in her case, plants is part of the creative process. Mas lalo na para kay Soliman, sa tingin ko. Kasi, nakaka-gulat para sa akin na parang may naiisip, may napansin sila na may iba ibang kulay yung lupa sa kapaligiran at napansin nila yun. Imagine mo, diba? Yung mga pintor, meron silang mga tubes ng paint or cans of paint. Makikita mo, alam mo yun and you’re mindful of what they are, what shade it is, and how to mix. Pero grabe din yung pagka-malikhain nila Soliman kasi, imagine mo, yung cans of paint niya are the same brown or hindi labelled. It’s all soil, all plants in the case of Mariton.
Pero, by noticing, by being mindful, alam nila kung, “Uy! Itong brown na ito,” or “Itong clay na ito. Itong lupa, itong dahon na ito, puno na ito, bungang ito…ibang kulay.”
BRYAN:
Actually, yun ang isang very important na act na very prominent sa creative process nila Mariton and Soliman. Naalala ko lang din sa Episode 2 ng Gubatbp., kausap natin si Rina Chua, at doon sa paguusap natin nabanggit natin yung “noticing”. Nabanggit niya na yung key word for ecopoetry is to “notice”.
I think we take for granted, most of us, yung act na ito, yung noticing. Kasi it takes a conscious effort to notice. Yes, we notice things. “Yes, may puno dito sa bakuran namin. Ok sige, dinadaanan ko yung puno ng malunggay sa kanto kapag pumupunta ako ng grocery or mamamalengke.” Pero yung beyond doon, what about doon sa mga puno na iyon? Naririnig ko ba yung mga ibon doon? Nakikita ko ba yung value ng puno na yun kapag napapadaan ako doon?
Yung act of noticing, this is a very important idea din talaga to cultivate. Naisip ko lang din, paano kung doon sa mga paglalakad ko na iyon, mas nakakapag notice ako? Ano kaya yung pwedeng madiscover ko? Ano kaya yung pwede ma-unravel? Ano yung pwedeng ma-ignite sa akin? Parang yung mga different colors or hues na napoproduce doon sa botanical dyes ni Mariton or doon sa different shades of soil na napoproduce ni Soliman? Sa paglalakad, somehow, it’s one way of cultivating yung “noticing”.
Napagusapan din ata natin before ito, Onggie. Naalala mo last year, 2020, nasa Makati ako and then nagkaroon ako ng time ng afternoon na maglakad-lakad dahil hindi ko rin kaya mag stay-in ng matagal sa kwarto? Naglakad ako sa neighborhood ng Legazpi Village, may mga napansin ako na, “Ah, may mga ganito pala dito. Hindi ko napapansin dahil lagi lang natin dinadaanan.” Napansin ko lang doon sa pagitan ng dalawang buildings, parang ten feet ata yung space kung saan may isang malaking puno ng mangga na parang nag eescape yung canopy niya. May way yung environment to also thrive in this time of pandemic. Yun yung isa sa mga na notice ko sa paglalakad. Who knows kung ano pa yung pwede natin madiscover or ma-unravel sa pag-notice? Ano yung creative process na pwedeng magawa with the act of noticing?
ONGGIE:
In fact, we may even argue that for these two artists, mukhang yung “noticing” is integral doon sa kanilang sining. It’s as important as a brush, as the canvas, it’s as important as the textile, it’s as important as the thread na ginagamit ni Mariton.
Nung pinakinggan ko yung pasilip sa buhay ng isang textile artist ni Mariton and yung preview ng isang pintor gamit ang lupa ni Soliman, parehong na-manifest na yung noticing is either part of the creative process or start of the creative process. Tulad ng sinabi mo, baka mas marami pa tayong malikha if we notice more. Baka pwede kang maging malikhain kung mas mapagmasid ka rin.
Alam mo, itong pandemya, itong quarantine natin, ang daming bagong hobbies, ang daming gustong subukan at gawin. Naisip ko na rin, ano kaya? Magpinta kaya ako or mag watercolor kaya ako? May mga partners tayo sa trabaho natin na involved in nature-art and creativity. So naisip ko na yun. Pero parati akong takot na baka hindi ko kaya ito or hindi mo alam kung saan magumpisa. Mamimili ka ba muna ng ganito, magbabasa ka ba muna ng ganun, manonood ka ba muna ng Youtube? Mukhang para dito sa dalawang magagaling na artist na ito at ayon na rin sa ating pagkaunawa sa ginawa nila, baka noticing ang unang ginagawa dapat ng mga katulad ko na gusto maging “manlilikha” din.
BRYAN:
Actually yung nabanggit niyo na hindi din alam kung ano ba yung dapat unahin or saan magsisimula, I think yung process ng figuring out na yun, yun na din yung isa sa trajectories towards noticing. Kumbaga yung noticing, hindi lang din siya sa simula. All throughout, there’s this level of consciousness and mindfulness na, “What if? Ano yung pwede?” By surrounding yourself with people na manlilikha, interested sa art, or hindi rin sure kung paano magsisimula, you can figure it out not just by yourself but as a community.
I think that’s one way of collective na effort to cultivate yung creativity and to harness yung potentials ng noticing.
ONGGIE:
Ako, parang andami kong natutunan, naunawaan, napag-isip isipan ulit dahil sa kwento nitong dalawang artists natin and yung mga likha nila. Maliban dun sa mga sinabi ko kanina, sa pag-notice, sa pagpansin, sa pagkilala, sa pagmamasid…I think yung biggest na reflection ko with yung narrative nila at artwork nila ay more personal at more related sa pinagdadaanan ko bilang individual, bilang tao, bilang dapat nagtatrabaho para sa kagubatan at planeta.
Nung nakita ko yung likha nila, pakiramdam ko na una, nainspira ako na, “Wow, ang ganda talaga ng kalikasan. Ang malikhain din talaga ng Poong Maykapal. Para sa akin, yung halaga nito parang bumasag siya, in a sense, sa lungkot at sa pagkaisa ako. Sanay ako na parating naka-interact with nature, nasa labas, naglalakad. Aakyat sa bundok.
Ngayon, syempre hindi magawa yun. Pero dahil sa sining at sa kwento nila, pakiramdam ko namundok, nagakyat at bumalik. Parang may ganun na kagaanan sa pakiramdam. I think that’s my reaction to art. That’s what art brings out para sa akin.
Para sa’yo, Bry?
BRYAN:
Inspired din ako, essentially. Ang sarap makinig doon sa kwento nila. Na-imagine ko, na-inspire ako maglakad ulit, ma-notice yung mga bagay sa paligid. Pero at the same time, honestly, medyo may fear din.
Nabanggit ni Soliman na ipinipinta ng lupa ang kanyang panaginip, takot, at pangarap. May naramdaman ako doon sa takot kasi we entered the United Nations decade of ecological restoration, 2021 to 2030, at sa climate crisis na meron tayo ngayon, may fear and anxiety na, “What if…paano pag na-degrade yung lands? Paano pag hindi tumubo yung specific na halaman na ginagamit?”
Hindi naman sa sobrang pessimistic, yung sobrang gusto ko lang siguro dahil naramdaman ko yun ay para ma-conserve at ipapatuloy yung art na ginagawa nila. Mas maraming tao ang dapat makaalam at ma-inspire din sa ginagawa nila Mariton at Soliman. So may idea na nga din sa restoration, may mga strategies na ginagawa at included doon yung remediation kung saan contaminated, polluted yung landscapes at may aspect kung saan nagtatanim ng specific species ng puno sa mga mined out na areas para ma-regain yung health ng soil.
Imagine, yung puno nakikipag communicate sa damaged planet and comforting it hanggang umayos yung pakiramdam niya. I guess there’s also something poetic na nangyayari doon eh, na hindi talaga hiwalay yung tao sa environment. Hindi lang dapat maging center yung tao sa environment. Parang dynamic dapat siya, ongoingness. To conserve that kind of feeling, I think we’ll go back to that idea of noticing.
ONGGIE:
Agree ako diyan, Bry. Mukhang yung appreciation ng art can be the bridge that can foster or facilitate yung pagiisip mo tungkol sa planeta, sa kalikasan, at pagiisip mo tungkol sayo at sa kinabukasan mo. Although dama ako sa artworks na ito at yung ganitong posibilidad, para sa akin, kung may nagdududa ba na may importanteng sining, dapat pakinggan nila yung buhay at sining nitong dalawa, panoorin nila or tingnan nila yung likha nitong dalawa at makikita nila na napaka-laganap ng sining, art, creativity, at noticing lalo na ngayon.
Marami pa akong naisip, pero may nagsabi na ng mas maganda at ito ay si Olivia Laing sa kanyang librong “Funny Weather: Art in an Emergency”. Meron siyang sinulat tungkol sa art at tungkol sa sining. Ngayon ko naisip na kung gaano ka-angkop yung sinasabi niya sa pinagdadaanan ko, ng mundo, at kagubatan. Sabi niya ganito, “We’re so often told that art can’t really change anything. But I think it can. It shapes our ethical landscapes, it opens us to the interior lives of others. It is a training ground for possibility. It makes plain inequalities and it offers other ways of living.”
Para sa akin, yun yung isa sa pinaka-magandang pag-encapsulate ng role ng art at gaano siya kahalaga ngayong panahon.
BRYAN:
Other possibilities for other ways of living. I think that’s also very important. Meron din akong isang nabasa na siguro manghihiram din ako ng salita. Ito ay mula kay Anna Tsing, anthropologist. Actually, grupo sila ng anthropologist na nagsulat ng librong “Art of Living in a Damaged Planet”. Sabi nila, “Living in a time of planetary catastrophe thus begins with the practice at one’s humble and difficult noticing the world around us.”
BRYAN:
Thank you for listening to this episode. Gubatbp and Forest Foundation would like to thank Mariton Villanueva and Soliman Poonon for sharing their story of creativity and artistic processes that are highly entangled with nature.
To know more about Mariton’s work and journey on botanical dyeing and textile art, please follow her instagram pages @vmariton, and @himayaph.
To further appreciate Soliman’s craftsmanship on soil painting, do visit his Facebook page at solimanTalaandigartist
We’d also like to thank our featured musician for this episode Jett Illagan, otherwise known as Escuri. While Jett himself is both a visual and sound artist, his musical project Escuri is under the record label BuwanBuwan Collective, and he produces urban soundscapes by collecting sounds from different cities and locations across the metro.
The song that was played is Escuri’s “Manila: Flow State” from the Sound of X, a digital project by Goethe Institut that pulls together city-themed songs by musicians across Asia.
Do give his song a listen on the podcast web page, and listen to his other music on Soundcloud and Bandcamp.
At www.gubatbp.forestfoundation.ph , you can browse through our interactive map to see your nearest local art galleries and check out which books we recommend you try at our website’s resources page.
Find the works of Filipino artists being showcased in these art galleries throughout the country.
Gubatbp. featuring Mariton Villanueva and Soliman Poonon | May 7, 2021
Mariton is a textile artist whose technique revolves around plant-based dyeing. A graduate of the Fashion Institute of the Philippines, her works exhibit prints that have been produced using natural materials and upcycled fabrics. She also owns the brand Himaya.
Soliman is a soil painter whose technique hails from the soil painting traditions of the Talaandig tribe of Bukidnon, of which he is a member of. His works have been exhibited in countries as far as Canada and Singapore, while he continues to reside in Bukidnon where the soil painting tradition is passed onto Talaandig children.
Escuri is a project by Jett Ilagan. The artist builds cultural soundscapes from the environmental sounds of cities, crowds, and nature.
Going beyond geography. In this episode, we explore the world of mapping and how maps contribute to our understanding of lived experiences more than just physical terrain.
2F Valderrama Bldg.,
107 Esteban St., Legaspi Village,
Makati City, Metro Manila, Philippines 1229
+63 2 891-0595 | +63 2 864 0287
gubatbp@forrestfoundation.ph
Produced by Forest Foundation Philippines. Developed by Drink Editorial and Design, Inc.